MANILA, Philippines- May kabuuang 242 communist rebels ang na-neutralize sa unang quarter ng taon, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes.
Sa press briefing, inihayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na sa 242 na-neutralize mula January 1 hanggang March 13, 19 ang napatay, 206 ang sumuko, at 17 ang naaresto.
May kabuuang 159 baril at 73 anti-personnel mines ang nakumpiska at isinuko, ayon kay Padilla. May kabuuang 37 encampments din ang nasabat.
Batay kay Padilla, isang weakened guerilla front na lang natitira.
“Since last year, we have been giving updates that there is already one weakened guerrilla front left. Pero ito hinihintay na lang natin ang proseso to be declared na zero weakened fronts,” sabi ni Padilla.
“They are already experiencing a leadership vacuum. Wala na rin ho silang resources and maliliit na lang po itong mga nagaganap na operations,” dagdag ng opisyal.
Kapag naubos na ang guerilla fronts, inihayag ni Padilla na tututukan naman ng AFP ang mga operasyon nito mula sa internal security patungo sa territorial defense. RNT/SA