MANILA, Philippines- Nag-aalok ng pabuyang nagkakahalaga ng P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga salarin sa panggagahasa at pagpatay sa isang Slovakian tourist sa Boracay.
Inanunsyo ni Aklan Rep. Teodorico Haresco, Jr. ang pabuya matapos tukuyin ng mga pulis ag tatlong persons of interest sa sexual assault at pagkasawi ng isang 23-anyos na Slovak na kinilalang si Michaela Mickova.
Sa tatlong suspek, dalawa ang nasa ilalim ng kustodiya ng mga pulis.
“This is a devastating blow to our tourism industry. We must act swiftly and decisively to address this issue and restore public trust,” pahayag ni Haresco.
“We need to reassure tourists that Boracay is a safe place,” dagdag niya.
“The incident has understandably cast a shadow over Boracay’s reputation as a safe and welcoming destination, raising concerns about the future of tourism on the island. We will do everything in our power, together with our local officials in Boracay and Malay and national agencies concerned to prevent such incidents from happening again,” giit ni Haresco.
Natagpuang patay ang 23-anyos na si Mickova sa isang abandonadong chapel sa isla dalawang araw matapos siyang mawala. Iniulat ng mga pulis na natagpuan ang kanyang bangkay na naaagnas at walang pang-ibaba. RNT/SA