MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang isang sanggol na babae sa loob ng isang sako sa Barangay San Jose, Antipolo City nitong Martes ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, natagpuan ng isang garbage collector ang sako na naglalaman ng bangkay ng sanggol malapit sa isang poste sa kahabaan ng F. Manalo Street.
Agad itong iniulat sa mga awtoridad na nakarekober sa mga labi ng sanggol.
Batay sa isang vendor malapit sa lugar, nakakita siya ng dalawang lalaki na nag-iwan ng sako dakong ala-1 ng madaling araw.
Base sa mga pulis, gumugulong ang imbestigasyon sa insidente at nirerebyu ang CCTV footages malapit sa crime scene. RNT/SA