Home NATIONWIDE 25 parak itinalaga kay VP Sara, pagbawi ng military security posible

25 parak itinalaga kay VP Sara, pagbawi ng military security posible

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nakapag-deploy na sila ng 25 police personnel sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na nakatalaga sa pagbabantay kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng posibleng pagpapa-recall ng mga tauhan ng militar.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na humiling ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng police personnel para sa seguridad ni Duterte.

Nang tanungin ukol sa rason nito, sinabi ni Fajardo na: That was, I think, triggered by the possible recall of some of the AFP personnel under detail po sa VPSPG as a result of what happened po last Saturday.

Ayon kay Fajardo, ang 25 pulis ay ipinadala sa VPSPG noong Martes. RNT