Home NATIONWIDE Abusadong maniningil ng utang, parurusahan ng Senado

Abusadong maniningil ng utang, parurusahan ng Senado

Sakaling maisabatas ang nakahaing panukalang batas sa Senado, nakatakdang parusahan ang abusadong maniningil ng utang kabilang ang pangpapamahiya at panliligalig sa umutang.

Nakatakda sa panukalang Senate Bill No. 2882 na inihain ni Senador Robin Padilla na hindi sapat ang proteksyon ng RA 9474 (Lending Company Regulation Act) at RA 7394 (Consumer Act) laban sa abusadong maniningil.

“Over the years, the Securities and Exchange Commission (SEC), the National Data Privacy Commission and law enforcement agencies have received numerous complaints against Financing Companies (FCs) and Lending Companies (LCs) harassing, shaming, and employing abusive, unethical, and unfair means upon their customers/clients to force the settlement of debts. Likewise, there has been a proliferation of misuse of customer/client personal information and the public disclosure of unpaid loans or balances,” ayon sa mambabatas.

Aniya, umiiwas sa pananagutan ang ilang lending companies sa pamamagitan ng paggamit ng third-party service providers upang mag-harass ng umutang.

Isa sa hakbang sa panukalang batas ang pagpataw sa FC at LC ng pananagutan sa ipinagbabawal na gawain upang hindi malusutan ang pananagutan.

“This proposed measure declares it as a policy to regulate the collection practices of FCs and LCs to deter the use of means that are prejudicial to the interest of the public,” aniya.

Sa panukalang batas, kabilang sa ipinagbabawal na pagkilos ang mga sumusunod:

* Paggamit ng banta ng karahasan
* Paggamit ng bastos na pananalita at insulto sa may utang
* Paggamit ng social media at ibang online platforms para hiyain ang may utang
* Pagbulgar ng personal na impormasyon ng may utang
* Pagtawag sa may utang sa hindi makatwirang oras

“Notwithstanding the borrower’s consent, contacting the persons relatives, colleagues, or acquaintances other than those named as guarantors, surety, or co-makers shall also constitute unfair debt collection practice,” ani Padilla.

May multa na P50,000 para sa unang paglabag; P100,000 sa pangalawang paglabag; P500,000 hanggang P1 milyon at 90-araw na suspensyon ng lending and financing activities sa pangatlong paglabag; at pagbawi ng certificate of authority to operate as an FC or LC sa ikaapat na paglabag.

Sa panukalang batas, ibubunyag din ng mga FC at LC sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang impormasyon sa kanilang third-party service providers, kasama ang nakarehistrong numero na gagamitin sa pagkolekta ng utang. Ernie Reyes