Home METRO Kanlaon muling nag-alburoto; 23 volcanic earthquake naitala

Kanlaon muling nag-alburoto; 23 volcanic earthquake naitala

MULING nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng 23 volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag iniulat kanina Nobyembre 27 (Miyerkules) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs nakataas ang alert status 2 sa paligid ng bulkang Kanlaon bunsod ng pag-aalboroto nito.

Nabatid sa ulat na namataan ang pagbuga ng puting usok sa tutok ng bulkang Kanlaon at pamamaga ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ.

Hindi rin pinapahintulutan ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sab anta ng pagputok ng bulkan. (Santi Celario)