Nagdaos ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga job fair sa buong bansa na nag-aalok ng 250,000 na bakanteng trabaho bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Mayroong 69 na job fair sites sa buong bansa, at ang pangunahing venue ay nasa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ang mga job seekers ay makakakita ng mga oportunidad sa mga industriya ng manufacturing, retail, BPO, accommodation, food service, at financial sectors.
Kabilang sa mga nangungunang bakante ang mga production operators, sales clerks, call center representatives, service crews, at microfinance officers.
Kabilang sa mga employer na lumalahok ay ang Globe, LBC Express, Asia Brewery, Inc., at Puregold.
Maaaring magtungo ang mga naghahanap ng trabaho sa pinakamalapit na Public Employment Services Office (PESO) o DOLE offices para sa karagdagang detalye. RNT