Home NATIONWIDE Katatagan at kasipagan ng mga manggagawa pinuri ni VP Sara sa Labor...

Katatagan at kasipagan ng mga manggagawa pinuri ni VP Sara sa Labor Day

MANILA, Philippines – Pinuri ni Bise Presidente Sara Duterte ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang katatagan at kasipagan sa kanyang mensahe para sa Araw ng Paggawa.

Kinilala niya ang mga pagsusumikap ng mga overseas Filipino workers (OFWs), mga medical at security frontliners, guro, mga community worker, at iba pang mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor.

“Ngayong araw na ito, tayo ay nagbibigay-pugay sa lahat ng manggagawang Pilipino na patuloy na nagsusumikap para sa ikauunlad ng kani-kanilang buhay, pamilya, at komunidad,” anang Bise Presidente sa isang video message.

“Ako ay sumasaludo sa inyong katatagan, talino, at kasipagan na inyong ipinapakita sa inyong kani-kaniyang sektor, sa loob man o sa labas ng bansa,” dagdag pa niya.

Ipinahayag ni Duterte ang paghanga sa lakas, talino, at pagpupunyagi ng mga manggagawa, sa loob man o labas ng bansa.

Binanggit niyang ang Araw ng Paggawa ay isang pagkakataon upang magbigay-pugay sa mga nagtatrabaho para sa ikauunlad ng kanilang buhay, pamilya, at komunidad. Ang Araw ng Paggawa ay isang regular na holiday tuwing Mayo 1 alinsunod sa Proklamasyon Blg. 727. Santi Celario