MANILA, Philippines – Dead on the spot ang tricycle driver matapos tambangan ng riding-on-tandem habang binabagtas ang Barangay Paharang Silangan sa Batangas City nitong Huwebes ng hapon, Enero 23.
Ayon sa pulisya, kinilala ang biktima na si “Catalino” na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Sumalpok ang tricycle sa madamong bahagi ng kalsada na nagdulot naman ng pagkasugat ng dalawang pasahero nito na pawang mga estudyante.
Agad na dinala sa ospital ang mga sugatan.
Nakatakas naman ang mga suspek patungo sa direksyon ng Taysan, Batangas.
Sinabi ng pulisya na ang drayber ng itim na motorsiklo ay nakasuot ng puting T-short habang ang backrider ay nakasuot ng light brown na T-shirt at pants.
Nakasuot din ang mga ito ng itim na helmet.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek. RNT/JGC