Home NATIONWIDE Higit 160 aftershock naitala sa Southern Leyte quake

Higit 160 aftershock naitala sa Southern Leyte quake

MANILA, Philippines – Mahigit 160 aftershock ang naitala matapo ang magnitude 5.8 na lindol sa San Francisco, Southern Leyte nitong Huwebes, Enero 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes.

Hanggang nitong alas-6 ng umaga, nakapagtala ang PHIVOLCS ng kabuuang 166 aftershocks na mula magnitude 1.5 hanggang 2.9.

Ang lindol ay nangyari anim na kilometro mula sa San Francisco bandang alas-7:39 ng umaga nitong Huwebes.

May lalim itong 14 kilometro at tectonic in origin.

Naitala ang mga napinsalang bahay dahil sa lindol at sinuspinde ang pasok sa paaralan sa ilang mga lugar. RNT/JGC