Home METRO 26-anyos dedo sa bugbog ng kuya sa Laguna

26-anyos dedo sa bugbog ng kuya sa Laguna

74
0

LAGUNA, Philippines – Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos siyang suntukin ng kaniyang nakatatandang kapatid sa Barangay Lewin, Lumban, Laguna noong Biyernes ng umaga, Abril 24.

Ayon sa pulisya, kinilala ang biktima na si Ian, habang ang suspek ay ang kaniyang 46-anyos na kapatid na si Taguro.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lumban Municipal Police Station dakong alas-11:00 ng tanghali, habang ang magkapatid na biktima at suspek ay kasalukuyang nag-iinuman, bigla umanong tumayo ang biktima para ayusin ang speaker kung saan nairita umano ang biktima sa inasal ng kapatid nito kaya kumuha ng screw driver at inundayan ng saksak ang kapatid na nagtamo ng bahagyang sugat sa tagiliran ang suspek.

Napag-alaman na gumanti ang suspek at inundayan ng mga sunod-sunod na suntok ang kapatid nito hanggang sa tuluyang mawalan ng malay ang biktima na humantong sa pagkasawi nito.

Idineklara siyang patay ng Rural Health Unit.

Arestado ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Lumban police station habang inihahanda ang kaukulang kaso. Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa awtopsiya ang kaniyang bangkay. RNT/MND/Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here