Home HOME BANNER STORY 2,629 TNVS riders, pinamahagian ng cash aid sa Maynila

2,629 TNVS riders, pinamahagian ng cash aid sa Maynila

163
0

MANILA, Philippines – Namahagi na ng cash relief assistance para sa mga TNVS drivers ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Manila Department of Social Welfare and Development.

Aabot sa 2,629 na benepisyaryo o mga kwalipikadong driver ang makatatanggap ng tig-P5,000 na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Tumulong ang mga tauhan ng Manila LGU sa pamamahagi ng cash assistance upang maging organisado at mabilis ang pila.

Kada upuan ay may nakalaang numero na nakasaad sa listahan na ipinasa ng transport network company sa LTFRB na bineripika ng DSWD.

Samantala, maaari namang lumapit sa help desk ng DSWD ang mga TNVS driver na may problema para agad na matugunan at magawan ng solusyon.

Ang mga benepisyaryo ay pinaalalahanan na magdala ng orihinal at photocopy ng kanilang Professional Driver’s License at sundin ang itinakdang schedule upang maiwasan ang siksikan at mapabilis ang proseso.

Hinihikayat din ang mga pupunta na huwag nang magdala ng sasakyan; ang mga kinakailangan ay maaaring magparada sa Park ‘N Ride sa Lawton upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here