Home NATIONWIDE PBBM, pinangunahan pamamahagi ng fuel subsidy sa bus operators

PBBM, pinangunahan pamamahagi ng fuel subsidy sa bus operators

135
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ngayong umaga ng Martes, Marso 24, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibigay ng ayuda sa uri ng fuel subsidy sa 27 bus operators na may 1,096 units sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ang bus operator ay nakatanggap ng P10,000 fuel subsidy kada isang bus unit.

Kasama ng Pangulo sa pamamahagi ng ayuda sina Department of Transportation secretary Giovanni Lopez at DSWD secretary Rex Gatchalian.

Matatandaang, noong isang linggo ay inuna lang ang pamamahagi ng tulong sa mga tricycle driver sa NCR na kung saan ay pinangunahan ng Pangulo ang distribusyon sa Sta Ana Maynila.

Ang presensya ng Pangulo sa nakatakdang pay out ay naglalayong ipakita ang agarang aksyon ng gobyerno, magbigay direktang mensahe sa mga tsuper na hindi sila pababayaan at siguruhing maayos ang implementasyon ng programa. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here