Home NATIONWIDE 28 lugar tutustahin sa malaimpyernong damang-init

28 lugar tutustahin sa malaimpyernong damang-init

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa “danger level” ang heat index sa 28 lugar sa Huwebes, Abril 24, kung saan aabot ng 45°C ang temperatura sa Tuguegarao City.

Inaasahan din ang 44°C na heat index sa Dagupan City, Pangasinan; ISU Echague; Baler, Aurora; Casiguran, Aurora; Iba, Zambales; at Cavite City.

Samantalang nasa 43°C naman sa ilang lugar gaya ng:

Bacnotan, La Union
Clark Airport (DMIA), Pampanga
CLSU Muñoz, Nueva Ecija
San Ildefonso, Bulacan
TAU Camiling, Tarlac
Hacienda Luisita, Tarlac City
Ambulong, Tanauan, Batangas
Alabat, Quezon
San Jose, Occidental Mindoro
Puerto Princesa City, Palawan
CBSUA-Pili, Camarines Sur
Dumangas, iloilo
Panglao International Airport, Cebu

Aabot din ng 42°C ang heat index sa:

NAIA, Pasay City
Aparri, Cagayan
Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
Coron, Palawan
Cuyo, Palawan
Legazpi City, Albay
Masbate City
Roxas City, Capiz

Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na mapanganib at maaaring magdulot ng heat stroke.

Bilang tugon, isinailalim ng Office of Civil Defense (OCD) sa emergency protocols ang mga apektadong lugar at inatasan ang mga regional offices na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng publiko.

“Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagalang pananatili sa labas sa matinding init at panatilihing hydrated,” ayon sa PAGASA. Santi Celario