MANILA, Philippines – Kabuuang 284 kaso na ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga road traffic injuries ngayong holiday season.
Ayon sa DOH, ang naturang datos ay mula sa 8 pilot sites na binabantayan ng ahensya pra sa Road Traffic Incidents.
Nangyari ang mga aksidente sa kalsada mula Disyembre 22 hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 27, 2024.
Karamihan sa mga sangkot sa road traffic injuries ay mga walang suot na safety accessories gaya ng helmet at seatbelt.
Dagdag pa ng DOH na ang bilang ng mga kaso ay 9 porsyento na mas mataas kumpara sa taong 2023.
Nagpaalala naman ang DOH sa mga motorist ana iwasan ang pagmamaneho kapag pagod o nakainom ng alak.
Ugaliing magsuot ng helmet para sa mga nagmomotorsiklo at seatbelt para sa mga nagmamaneho at mga pasahero ng sasakyan.
Sundin ang itinakdang speed limit at mga road signs upang matiyak ang ligtas at maayos na byahe at upang maiwasan ang aksidente.
Siguraduhin din na mayroong 7-8 oras na tulog bago bumiyahe upang manatiling alerto at handa sa pagmamaneho. Iwasan din ang anumang distractions, tulad ng paggamit ng cellphone. Jocelyn Tabangcura-Domenden