Home ENTERTAINMENT Move over, Daniel; Pasok, Seth!

Move over, Daniel; Pasok, Seth!

Manila, Philippines – May posibilidad daw na maungusan ni Seth Fedelin si Daniel Padilla.

Ang nagkakaisang obserbasyon ito’y makaraang ipapanood sa press ang MMFF entry nila ni Francine Diaz na nag-launch din ng kanilang loveteam.

Ito ‘yung My Future You na inakala ng marami ay just another pakilig movie pero higit pa pala doon anv hatid nito.

Studying Seth’s nuances ay masasabi raw na malaki ang pagkakahawig nila ni Daniel lalo na sa kilos.

Malaking banta raw ang Regal find na ito sa Star Cinema boy!

Ang lakas daw ng screen presence nito, ni isang pangit na anggulo ay wala.

Swak din daw ang pakikipagtambal ni Seth kay Francine na tinatahak naman ang landas ni Kathryn Bernardo.

Buti na lang, “graduate” na ang KathNiel sa mga teenybopper roles as they’ve matured through time.

Wise decision nga raw ng mag-inang Roselle Monteverde at Keith na ilunsad ang FranSeth lalo’t naghahanap ng bagong kakikiligang loveteam ang mga manonood.

As for the loyal KathNiel fans, tiyak aalmahan nila ito–saying marami pang bigas na kakainin ang FranSeth! Ronnie Carrasco III