MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ng Cebu Pacific ang kanilang ika-29 na anibersaryo sa pamamagitan ng “Super Seat Fest” na nag-aalok ng P29 one-way base fare sa lahat ng domestic at international na destinasyon.
Ang seat sale ay tatakbo mula Marso 6 hanggang 11, 2025, para sa biyahe mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 30, 2025.
Mula nang maglunsad ng kanilang unang biyahe mula Maynila patungong Cebu noong Marso 8, 1996, lumawak na ang operasyon ng Cebu Pacific na may 37 domestic at 26 international destinations sa Asya, Australia, at Middle East.
Nakapaglipad na ang airline ng mahigit 250 milyong pasahero at patuloy na nag-aalok ng abot-kayang biyahe. RNT