Home HOME BANNER STORY 2 kasambahay utas sa sunog sa Ongpin sa Chinese New Year

2 kasambahay utas sa sunog sa Ongpin sa Chinese New Year

Dalawa ang patay sa sunog sa gitna ng pagdiriwang ng Chinese New Year, sa Ongpin, nitong Miyerkules ng umaga.

Napag-alaman na dalawang kasambahay na babae na isang 31-anyos at 24-anyos ang na-trap sa loob ng condominium unit sa Anchor Sky Suit, Ongpin St. sa Sta. Cruz, Manila na pag-aari ng Anchor Land Holding Inc.

Nagsimula ang sunog 3:25 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), inuukopahan ng isang Hanshong Chua ang nasabing unit sa 35-A ng 35th floor.

Ang nasabing condominium ay mayroong 56 palapag.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 4:51 ng umaga.

Tinatayang aabot naman sa humigit -kumulang P4,500,000.00 ang pinsala sa sunog na patuloy na inaalam sanhi ng insidente.

Sa ngayon ay nasa sanctuary na ang mga labi ng mga biktima.

Ayon sa BFP nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang pananagutan ng amo ng mga biktima na ayon sa nakuhang impormasyon ay naka-lock ang kanilang unit kaya hindi sila nakalabas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)