Home METRO Biik isinilang na mukhang tao sa NegOr

Biik isinilang na mukhang tao sa NegOr

NEGROS ORIENTAL-NAMATAY ang isa sa 12 biik na isinilang na mukhang tao at boses tao kamakailan sa lungsod ng Tanjay.

Base sa viral video na pinost sa social media ng may-ari na si Alfredo Cardenas Jr., nanganak ang kanilang alagang baboy noong Enero 21, 2025 at pang 8 na lumabas ang biik na mukhang tao at boses.

May be an image of 1 person

Aniya, paglabas ng biik takot ang una nilang naramdaman matapos makitang mukha itong tao at ang boses subalit hindi kumpleto ang mga bahagi ng mukha nito maging ang mga paa nito ay hawig sa tao.

Napansin ni Cardenas na tila nanghihina ang biik at hindi din ito dumedede hanggang sa bawian ito ng buhay makalipas ang 4 na oras at kanilang inilibing sa likod ng kanilang bahay.

Dagdag pa ni Cardenas, pangalawang beses na nagsilang ng biik ang kanilang inahin baboy na may kakaibang hitsura at pakpak.

Hindi naman naniniwala ang isang beterinaryo sa haka-hakang nasalisihan ang inahing baboy o nabuntis ng ibang hayop kundi posibleng premature na ipinanganak ang biik at nabuo ang ibang parte ng mukha nito./Mary Anne Sapico