Home NATIONWIDE 3-anyos batang babae natagpuang patay sa likod ng chapel sa Mt. Province

3-anyos batang babae natagpuang patay sa likod ng chapel sa Mt. Province

36
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang tatlong taong gulang na batang babae sa likod ng isang chapel sa Mt. Province.

Ang biktimang si Thea Bonbon ay huling nakitang naglalaro sa lugar nito sa Natonin noong Sabado ng hapon.

Kalaunan ay iniulat na itong nawawala.

Pagsapit ng umaga ng Linggo ay nakita na lamang ang bata na wala nang buhay sa likod ng St. Martin de Porres Chapel sa Sitio Batnong.

Ayon sa Natonin police ay may mga nakitang sugat sa ulo ng bata.

Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil satraumatic brain injuries.

“… As of now, we don’t have a person of interest yet but the investigation is still ongoing,” sinabi ni PNP Natonin chief investigator Police Senior Master Sergeant Cesar Pagod. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here