NEGROS ORIENTAL, Philippines – Aksidenteng nabaril at namatay ang tatlong taong gulang na bata sa Barangay Bunga, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental noong Huwebes, Marso 19.
Natagpuan ng biktima at ng dalawang taong gulang niyang pinsan ang isang baril sa labas ng bahay at inisip nilang laruan ito.
Hindi sinasadyang nakalabit ang gatilyo at tinamaan sa dibdib ang biktima.
Dinala ito agad sa ospital ngunit idineklara nang patay.
Hindi na nagbigay ng anumang dagdag na detalye ang pulisya, sa kagustuhan na rin ng pamilya ng biktima. RNT/MND