Home METRO Kelot arestado sa ilegal pagbebenta ng butane

Kelot arestado sa ilegal pagbebenta ng butane

127
0

CEBU, Philippines – Arestado ang 49-anyos na si Ramil Huyo-a Edano sa Barangay Don Pedro Rodriguez, Bogo City, Cebu, dahil umano sa ilegal na pagbebenta ng LPG-filled butane canisters.

Ayon sa pulisya, nahuli si Edano noong hapon ng Miyerkules, Marso 18, matapos raidehin ang kanyang bahay na ginamit umano bilang warehouse. Nakuha sa operasyon ang 151 crates na may tig-24 na butane canisters, nagkakahalaga ng P269,000.

Inihayag ng pulisya na naaresto si Edano nang hindi niya maipakita ang dokumento mula sa Department of Energy na nagpapatunay na legal ang pagbebenta ng butane.

Si Edano ay kakasuhan sa paglabag sa Section 168 ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code ng Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here