Home METRO 3 arestado kaugnay ng bangkay na natagpuan sa maleta sa Taguig

3 arestado kaugnay ng bangkay na natagpuan sa maleta sa Taguig

1
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang babae na nakasilid sa loob ng maleta matapos itong bumara sa isang creek sa Barangay Tanyag, Taguig City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Tata,” tinatayang 46-anyos, at sinasabing isang police informant.

Ayon sa imbestigasyon, nagtamo ang biktima ng saksak sa tagiliran at matinding pinsala sa ulo. Pinaniniwalaang pinatay siya noong Huwebes at itinapon sa creek habang malakas ang ulan upang maitago ang krimen.

“Siguro mas minabuti ng mga suspek na ipaanod itong biktima natin para hindi halata, hindi nila doon sa may banda hindi kalayuan, yun creek ay barado kaya nagbara, hindi umaagos ng malayo yung bangkay,” ayon kay Taguig City Police chief investigator P/Capt. Melvin Garcia.

Natunton ng pulisya ang bahay ng kinakasama ng biktima na si alyas “Kokong,” na nasa 15 metro lamang mula sa creek. Sa loob ng bahay, nadatnan din ang dalawang lalaki na sina alyas “Willy” at “Reynaldo.”

Nakarekober ang mga awtoridad ng drug paraphernalia, mga bakas ng dugo, hibla ng buhok, at isang sako na umano’y kapareho ng ginamit sa pagbalot sa bangkay.

Mariing itinanggi nina Kokong, Willy, at Reynaldo ang pagpatay, ngunit inamin nina Willy at Reynaldo ang paggamit ng ilegal na droga.

Patuloy ang forensic examination sa mga ebidensya habang iniimbestigahan ang posibleng motibo, kabilang ang ilegal na droga at love triangle.

Nakakulong na ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa pagpatay sa biktima at hiwalay na kaso sa paggamit ng ilegal na droga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here