Home NATIONWIDE ASEAN police, bubuo ng task force laban sa online scam

ASEAN police, bubuo ng task force laban sa online scam

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Association of Southeast Asian Nations Chiefs of Police (Aseanapol) ang pagbuo ng isang task force upang palakasin ang laban sa online scam sa rehiyon.

Matapos ang ika-44 na Aseanapol Conference sa Pasay City, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na kabilang sa programa ang pagbisita sa mga national anti-scam centers at pagpapatupad ng regional plan of action laban sa scam-related crimes.

“This [provides] a coordinated regional framework to address one of today’s fastest-growing transnational threats,” ani Nartatez.

Idinagdag niya na magkakaroon ng anti-scam hub sa bawat bansa upang mapalakas ang koordinasyon laban sa mga online scam na umaabot sa iba’t ibang bansa.

“We have established the anti-scam hub [task force] in every country, such that anti-scam hub task forces are in coordination, lalong-lalo na this is transnational crime and the victims are borderless also.”

“We will put borders [to] these perpetrators of online scam hubs,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng PNP na nakikipag-ugnayan ito sa mga dayuhang awtoridad upang matunton ang mga recruiter at financier ng mga job scam at human trafficking sa ibang bansa.

Samantala, iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na bumaba ang bilang ng online scam cases mula Enero hanggang Hunyo 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong 2025, dahil sa mas mataas na kamalayan ng publiko bunga ng information campaigns. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here