Home METRO 3 arestado sa sinalakay na drug den sa Zamboanga

3 arestado sa sinalakay na drug den sa Zamboanga

ZAMBOANGA SIBUGAY- Arestado ang tatlong high-value drug targets (HVTs) matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency IX-Zamboanga Sibugay Provincial Office, Ipil Municipal Police Station at 903rd Regional Mobile Force Battalion 9, nadakip ang mga suspek na sina alyas Tahir, Joshua, Dan.

Batay sa report, bandang alas-11:10 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa Purok Caimito, matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa presensya ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa halagang P81,600, iba’t ibang klase ng drug paraphernalia, gamit sa pag repack ng shabu, kulay gray na pouch at itim na eyeglass case.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 6 (maintenance of drug den), 7 (employees and visitors of drug den), 11 (possession of dangerous drugs), at 12 (possession of equipment) sa ilalim ng Article 12 of Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico