Home NATIONWIDE 3 babae naharang ng BI sa Zamboanga port sa illegal na pag-alis...

3 babae naharang ng BI sa Zamboanga port sa illegal na pag-alis sa bansa

MANILA, Philippines – Naharang ng Bureau of Immigration ang tatlong babae na nagtangkang umalis patungong Malaysia sa pamamagitan ng Zamboanga International Seaport.

Ayon sa BI, ang mga babae, na nagpanggap na mga turista, ay nakitaan ng “inconsistencies” sa kanilang mga dokumento na ipinasa noong Enero 22.

Sinubukan nilang sumakay ng barko na patungong Sandakan, Malaysia.

Nang sila ay kwestyunin pa, sinabi ng mga babae na sila ay bibisita sa kanilang mga kamag-anak sa Malaysia. Nagbigay ang mga ito ng magkakaibang impormasyon.

Ani BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga dokumento ay ibinigay lamang sa kanila bago ang biyahe, at ito ay isang kaso ng human trafficking.

“It was an obvious case of trafficking, as their documents were just handed to them before their trip,” ayon kay Tansingco.

“They admitted to barely knowing each other, as this is a common modus of traffickers to send out groups pretending to be friends, officemates, or even relatives,” dagdag pa niya.

Dinala na ang tatlong babae sa Zamboanga Sea-based Anti-Trafficking Task Force para sa karagdagang imbestigasyon.

“Traffickers might think that there is less regulation in our southern port, hence attempts to send out victims there,” ayon pa kay Tansingco.

“However, the IACAT’s [Inter-Agency Council Against Trafficking] presence remains strong there, ensuring that victims are intercepted before departure,” dagdag ng opisyal. RNT/JGC