Home METRO P500K reward alok sa makapagbibigay ng impormasyon sa gunmen ng itinumbang konsehal

P500K reward alok sa makapagbibigay ng impormasyon sa gunmen ng itinumbang konsehal

MANILA, Philippines – Nag-alok na ng P500,000 reward si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin C. Salonga sa makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang mga pumatay kay municipal Councilor Roberto “Amang” Carpio noong Huwebes, Pebrero 8.

Nagdeklara ng state of mourning ang Sangguniang Bayan sa San Antonio, kasunod ng pagkamatay ni Carpio.

Inilagay sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa mga government building sa naturang bayan sa kabuuan ng lamay ng konsehal.

Kinondena ni Salonga ang insidente at sinabing si Carpio ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang konsehal, isang magsasaka at namuno pa ng SB committees on agriculture and peace and order.

Dagdag pa ni Salonga, si Carpio ay maituturing na “action man.”

Sa ulat, itinumba si Carpio ng dalawang motorcycle-riding gunmen.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na nasawi habang dinadala sa ospital.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya kaugnay nito. RNT/JGC

Previous article3 babae naharang ng BI sa Zamboanga port sa illegal na pag-alis sa bansa
Next articleRider nawalan ng kontrol sa motorsiklo, patay