Home NATIONWIDE 3 bagong panukalang batas sa kaligtasan sa dagat ihahain sa Kamara

3 bagong panukalang batas sa kaligtasan sa dagat ihahain sa Kamara

2
0

MANILA, Philippines – Bilang tugon sa trahedya ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, pormal nang isinusulong ng Akbayan Reform Bloc sa pangunguna ni Rep. Dadah Kiram Ismula ang tatlong mahahalagang panukalang batas na naglalayong baguhin at patibayin ang mga pamantayan sa kaligtasan sa karagatan ng bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation sinabi ni Rep. Ismula na nakatuon ang legislative package na ito sa pag-aayos ng mga umiiral na butas sa sistema ng transportasyong pandagat, pagprotekta sa mga pasahero, at pagpapanagot sa mga pabayang shipping companies.

Ang hakbang na ito ay bunsod paglubog ng ro-ro passenger ferry na M/V Trisha Kerstin 3 noong Enero 26, 2026 sa Baluk-Baluk Island sa Basilan kung saan 66 na katao ang nasawi.

Kabilang sa mga isinusulong na panukala ay Infant and Children Lifejacket Safety Bill na naglalayong tiyakin na mayroong akma at ligtas na life-saving equipment para sa mga sanggol at batang pasahero.

Ang Digital Manifest System Bill na nakatuon para gawing moderno ang pagtatala ng mga pasahero, maiwasan ang mga “ghost passengers” o hindi rehistradong sakay, at tuluyang masawata ang iligal na overloading sa mga barko.

Ikatlo, ang verified cargo, weight, and stability Bill na titiyak na mahigpit na maipatupad ang mga pamantayan sa timbang, karga, at katatagan ng mga sasakyang-dagat.

“Through these measures, we affirm our collective resolve to protect lives at sea and to advance a safer, more accountable maritime transport system for all Filipinos,”*pagtatapos ni Rep. Ismula. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here