Home METRO 3 bahay naabo sa cellphone

3 bahay naabo sa cellphone

CEBU CITY- NAABO ang tatlong bahay matapos sumiklab ang sunog dahil umano sa sumabog na cellphone noong Sabado, Marso 23 sa bayan ng Badian.

Ayon kay F01 Winston Rey Ardiente, fire investigator ng Badian Bureau of Fire Protection, bandang 4:00 PM nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Rolly Candido sa Campagong 2, ng nasabing lungsod.

Umakyat sa unang alarma ang sunog at idineklara itong fireout dakong 5:00 PM.

Higit sa P120,000 ang nasunog na ari-arian dahil sa napabayaan naka-charge na cellphone hanggang sa nag-overheat at sumabog ito.

Wala naman naitalang nasaktan o nasawi sa naturang sunog. Mary Anne Sapico

Previous articleLalaki arestado sa panggugulo at marijuana sa BGC
Next articleP4.7M ismagel na sigarilyo nasamsam