MANILA, Philippines – NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes sa isang senior official ng Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty Organization (CTBTO) na kukumbinsihin niya ang ilang bansa na ratipikahan ang Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT) para gawing mas ligtas ang mundo mula sa nuclear threat.
Sinabi ni Pangulong Marcos ang commitment niyang ito kay Robert Floyd, CTBTO executive secretary, sa isinagawang anti-nuclear official’s courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang.
“We’ll do our best. We are familiar with the process,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Floyd.
Humingi naman ng tulong si Floyd kay Pangulong Maros na kumbinsihin ang mga lider ng Tonga, Bhutan, at Nepal na pumirma at ratipikahan ang CTBT, na in-adopt ng UN General Assembly (UNGA) noong September 10, 1996.
Ipinagbabawal ng CTBT ang “any nuclear weapon test explosion or any other nuclear explosion” sa alinmang lugar sa mundo, at nagpataw ng patusa sa mga nagkakamaling bansa.
Simula 1996, ang tratado ay nilagdaan na ng 187 bansa at niratipikahan ng 178.
Sinabi ni Floyd na ang Tonga ang huling South Pacific country na lumagda at nagratipika sa tratado.
Ang Nepal naman aniya ay hindi pa niratipikahan ang tratado dahil “they just haven’t managed to get the ratification process through the Parliament yet.”
Sinabi pa ni Floyd na “One of the difficulties they keep changing their leaders is it’s hard to get the process completed.”
Ang tratado ay hindi magawang pormal na makapasok sa force hangga’t hindi nararatipikahan ng 44 specific nations, siyam sa nasabing bilang ang kailangan na gawin ito.
Ang mga bansa ay ang Tsina, Democratic People’s Republic of Korea, Egypt, India, Iran, Israel, Pakistan, Russia, at Estados Unidos.
Kinikilala naman ng Pilipinas ang mahalagang papel ng CTBT bilang mahalagang confidence-building mechanism na i-promote ang pagtutulungan sa hanay ng mga estado at lutasin ang regional at global security issues. Kris Jose