Home NATIONWIDE 3 barko ng China namataan ng PCG na nakabantay sa mga mangingisdang...

3 barko ng China namataan ng PCG na nakabantay sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc

170
0

MANILA, Philippines – Namataan ng Philippine Coast Guard ang presensya ng tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, ipinadala ang tatlong barko at eroplano mula noong Enero 26 para asistehan ang mahigit 40 fishing vessels mula Zambales, Bataan, Pangasinan, at Mindoro.

Sa naturang mission, naidokumento ng coast guard ang presensya ng mga barko ng CCG na hindi naman nagpahinto sa pangingisda ng mga lokal na mangingisda.

“Despite the continued presence of these CCG vessels, Filipino fishermen have steadfastly continued to fish in these waters, exercising their rightful access to fish,” ayon sa PCG.

Iginiit ng PCG na nananatili itong matibay sa posisyon, pagprotekta sa ma mangingisda at paggiit ng soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

“This operation underscores the unwavering resolve of the Philippines: Filipino fishermen will continue to fish in these waters, and the PCG will continue to protect them and uphold UNCLOS, the 2016 Arbitral Award and the Philippine Maritime Zones Act,” saad sa pahayag ng PCG.

Nakatanggap naman ang mga mangingisda ng kailangang suporta, kabilang ang fuel subsidies, freshwater, ice, at food packs, para sa kanilang fishing activities. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here