Home METRO 3 bata, nanay hinostage ng sekyu

3 bata, nanay hinostage ng sekyu

MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang tatlong bata at kanilang ina matapos i-hostage ng security guard sa Baseco compound sa Maynila.

Sa ulat, bumisita ang suspek na si Justine Sagun, 33, nakatira sa Brgy. Cupang sa kanyang kaibigan sa gusali nang bigla nitong i-hostage ang tatlong bata na edad lima,dalawa at isang taong gulang.

Ayon kay MPD chief PCol Arnold Ibay, napansin na umano ng nakainuman ng suspek na balisa, hindi mapakali at ang demand ay makausap ang kanyang kapatid dahil siya ay may problema.

Sa gitna ng negosasyon sa pagitan ng suspek at mga awtoridad, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ng MPD na sunggaban at arestuhin si Sagun.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law, slight illegal detention and illegal possession of deadly weapon.

Samantala, dinala naman sa Department of Social Welfare and Development ang mga bata para sa counseling. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)