Home NATIONWIDE 3 batang nakasilong sa puno todas sa kidlat

3 batang nakasilong sa puno todas sa kidlat

Bulacan – Patay ang tatlong batang magpipinsan matapos tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa bayan ng Pulilan.

Sa nakalap na report, nangyari ang hindi inaasahang pangyayari nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 5 sa Brgy. Inaon.

Nabatid na naliligo ang magpipinsan na sina Rexter, Rocsan Enriquez at April Almoradie na magkakadikit sa ilalim ng puno nang aksidenteng tamaan ng kidlat na kanilang ikinamatay.

Sinasabing dalawang bata pa na medyo malapit sa puno ang tumalsik palayo at bahagyang nasugatan lamang nang tumama ang kidlat.

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay ng mga kaanak, kakilala at mga netizen sa kalunos-lunos na nangyari sa magpipinsan. (Dick Mirasol)