Home METRO Top 7 MWP na may kasong rape, nalambat sa Pasay

Top 7 MWP na may kasong rape, nalambat sa Pasay

Sa pakikipagtulungan ng San Mariano, Isabela Police Station sa Pasay City police ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng nabanggit na mga kapulisan ang Top 7 Most Wanted Person (MWP) Regional Level Womens and Children’s Protection Desk (WCPD) dahil sa tatlong kaso ng rape sa Isabela Lunes ng hapon, Hunyo 3.

Sa report na isinumite kay Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ay nakilala ang nadakip na suspect na si alyas Ronald, 36, salesman, residente ng Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Sinabi ni Pabonita na nauna nang nakipag-ugnayan sa Baclaran Substation 5 ang San Mariano police para sa ikadarakip ni alyas Ronald kung saan naisagawa ang operasyon bandang alas 2:50 ng hapon.

Ayon kay Pabonita, ang pag-aresto kay alyas Ronald ay matagumpay na naisagawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong Mayo 21, 2024 ni Ilagan City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Jeffrey J. Cabasal ng Branch 16, 2nd Judicial Region na walang rekomendasyon ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sangkot si alyas Ronald sa tatlong kaso ng panggagna mayroog Criminal Case Nos. 11091, 11093, and 11094.

Gumamit din ang mga operatiba ng Alternative Recording Device (ARD) sa kanilang operasyon bilang pagsunod sa Supreme Court Resolution A.M. No. 21-06-08-SC (Rules on the Use of Body-Worn Camera in the Execution of Warrants).

Pansamantalang nakapiit sa Pasay City police custodial facility si alyas Ronald habang inaayos ang dokumento upang mailipat sa kustodiya ng San Mariano police ang suspect at harapin ang isinampang kaso laban sa kanya sa Isabela. (James I. Catapusan)