Home METRO 3 bebot, sangkot sa sugal at droga, isinelda

3 bebot, sangkot sa sugal at droga, isinelda

237
0

Tatlong bebot ang isinelda, kabilang ang isa umanong sangkot sa droga, makaraang mabulaga sa iligal na sugal na napaulat kagabi sa Valenzuela City.

Nabatid mula sa imbestigasyon ng Anti-Criminality Operation Oplan Galugad na alas 10:05 ng gabi nang maganap ang operasyon sa Delino St., Brgy. Isla.

Dito, naaktuhan ng mga tauhan ni Capt. Aguirre ang tatlong bebot na naglalaro umano ng sugal na baraha (Lucky 9), kaya agad nilang nilapitan, sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto.

Nakumpiska sa kanila ang bet money at gamit na baraha, habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Jessica.”

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law, habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A. 9165 ang kakaharapin pa ni Jessica.
(Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here