Home METRO 3 bigtime tulak, P1.9M ‘bato’ laglag sa Bulacan buy-bust

3 bigtime tulak, P1.9M ‘bato’ laglag sa Bulacan buy-bust

40
0

Bulacan – Arestado ang isang indibiduwal matapos mahulihan ng P1.36 milyong halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Guiguinto nitong Mayo 22.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “JR”, 44,anyos na kabilang sa High Value Individual (HVI).

Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3. RSOG3 at Guiguinto police station bandang 6:30 ng gabi sa Plaridel Bypass Road, Brgy. Cutcut, Guiguinto.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa operasyon ang 200 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1.36 million.

Samantala. huli rin ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos police station si alyas “Atan” at alyas “Soc” kapwa kabilang din sa HVI sa Brgy. Panasahan nitong Mayo 3.

Nasamsam sa kanila ang 81:50 grams ng hinihinalang shabu na may halagang P554,200 at isang unlicensed caliber .38 revolver at bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga himpilan ng pulisya na humuli sa kanila. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here