Home HOME BANNER STORY 3 hinihinalang magnanakaw sugatan sa shootout sa NLEX

3 hinihinalang magnanakaw sugatan sa shootout sa NLEX

2
0

Bulacan – Tatlong hinihinalang miyembro ng noturyos na robbery-holdup group ang sugatan matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa North Luzon Expressway (NLEX) sakop ng bayan ng Bocaue nitong hapon ng Hunyo 26.

Sa ulat, kinumpirma ng Philippine National Police na nagsagawa ng police operation ang kanilang mga tauhan sa kahabaan ng southbound lane ng NLEX Bocaue Toll Plaza.

Ayon sa paunang ulat, nag-ugat ang hot pursuit operation nang makatanggap ang mga tauhan ng Police Regional Office 3 ng impormasyon sa ilang indibiduwal na sangkot sa ilang robbery incidents kamakailan mula sa Norte.

Namataan umano ang mga ito ng mga awtoridad na lulan ng isang Van kaya sinundan hanggang Bocaue at nang makatiyempo ay sinubukang parahin subalit bigla na lamang namaril ang mga ito.

Dahil dito, gumanti ng mga putok ang mga awtoridad na ikinasugat ng tatlong hindi pa nakilalang indibiduwal na agad dinala sa ospital para sa paunang lunas, ayon na rin sa impormasyon.

Nabatid na tiniyak ng mga pulis ang seguridad sa lugar hanggang sa dumating ang mga kasamahang imbestigador kasama ang SOCO personnel na nagproseso at nangalap ng mga ebidensya.

Sinasabing ang mga suspek ay nasa likod umano ng ilang panghoholdap kamakailan sa Region 3 at Region IV-A.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring engkuwentro na naging dahilan sa pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar ng mga oras na iyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here