Home NATIONWIDE 3 hinihinalang pekeng Pinoy arestado ng BI

3 hinihinalang pekeng Pinoy arestado ng BI

219
0

MANILA, Philippines – Magpapasa ng report ang Bureau of Immigration (BI) sa Department of Justice (DOJ) para imbestigahan ang mga pinanggalingan ng mga dokumentong illegal na nakuha ng mga dayuhan.

Ito ay kasunod ng pagkabahala ni Commissioner Joel Viado sa pagkalat ng mga dokumento na ginagamit ng illegal aliens sa pakikipagtransaksyon sa bansa.

“The illegal use of Philippine documents is a national security issue that must be addressed at its roots,” ani Viado.

Ito ay makaraang maaresto ang tatlo pang hinihinalang pekeng Filipino sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga.

Kabilang dito ang lalaking Chinese national na kinilalang si Lin Yi, 35, na naaresto sa isang establisyimento sa Pandan Road sa Angeles City noong Hulyo 31. on July 31.

Ang pagkakaaresto ay nag-ugat sa reklamo laban kay Lin na nagpapatakbo ng carwash business sa lugar.

Iniulat na ito ay gumagamit ng Philippine identity sa kanyang mga transaksyon sa negosyo.

Nakatanggap ng kopya ng Philippine birth certificate ni Lin ang BI na kahina-hinalang “late registered”, isang Philippine identification card, at official receipt para sa Philippine driver’s license.

May hawak din na working visa ang dayuhan hanggang 2027 sa ilalim ng isang Chinese identity.

Samantala, naaresto rin si Yan Yize, 30, sa residential unit sa Malabanias, Angeles City; habang si Wang Jiangyi, 55, ay naaresto sa Barangay Panipuan sa Mexico.

Ang mga ito ay gumagamit ng pagkakakilanlang Pinoy at nagtataglay ng late-registered Philippine birth certificates, tax identification number, at business registrations mula sa Securities and Exchange Commission.

May kaugnayan naman ang mga ito sa isang construction at development corporation na sangkot sa land acquisition.

Nasa kustodiya ng BI ang mga dayuhan habang nagpapatuloy ang deportation proceedings. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here