Home NATIONWIDE 3 sugatan sa pamamaril ng binata sa Times Square

3 sugatan sa pamamaril ng binata sa Times Square

262
0

UNITED STATES – Walang habas na namaril ang isang 17-anyos na binata na ikinasugat ng tatlo sa Times Square sa New York nitong Sabado, Agosto 9, ayon sa New York Police Department.

Ang pamamaril ay nangyari 1:20 ng madaling araw kasunod ng isang tensyon.

Tinamaan sa pamamaril ang leeg ng isang 18-anyos na babae, at ang binti naman ng isang 19-anyos at 65-anyos na lalaki.

Dinala ang tatlong biktima sa Bellevue Hospital, na nasa stable nang kondisyon.

“The perpetrator has been taken into police custody, and a firearm has been recovered,” ayon sa tagapagsalita ng NYPD.

Hindi pa pormal na nasasampahan ng reklamo ang suspek.

Ang pamamaril ay naganap sa 44th Street at Seventh Avenue.

Noong nakaraang buwan, mayroon ding namaril ng apat katao sa isang Manhattan skyscraper. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here