Home NATIONWIDE 60-day rice import ban maaaring magdulot ng P1-P2 taas sa retail prices...

60-day rice import ban maaaring magdulot ng P1-P2 taas sa retail prices ng bigas – grupo

354
0

MANILA, Philippines – Posibleng tumaas ang presyo ng bigas bilang resulta ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang rice importation ng hanggang 60 araw simula Setyembre 1, 2025, ayon sa isang grupo nitong Sabado, Agosto 9.

“Kapag nabawasan ang imported rice, tataas naman ang [supply] lokal na bigas… Inaasahan nating tataas ang presyo… Ngayon pa lang may epekto na. Tumaas na ang presyo ng palay,” sinabi ni Philippine Rice Industry Stakeholders Movement lead convenor Rowena Sadicon sa panayam ng DZBB.

“’Yung epekto, tataas ang presyo ng palay sa mga magsasaka. Tataas ‘yan ng mga P1 to P2 [per kilo]… Most likely, P1 to P2 din ang itataas sa retail price ng bigas,” sinabi pa ni Sadicon.

Nitong Miyerkules, inanunsyo ng Palasyo na ipinag-utos ni Marcos ang suspensyon ng lahat ng pag-aangkat ng bigas sa loob ng dalawang buwan simula Setyembre sa rekomendasyon na rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Binatikos ng Federation of Free Farmers (FFF) ang ”government’s delay” sa pagpapatupad ng safeguards sa mga lokal na magsasaka sa pagsasabing marami sa mga ito ang nabaon na sa utang at ang ilan ay nagdududa na kung karapat-dapat pa ba silang magtanim.

“Dalawang bagay ang mga kailangang intindihin… Ang ating mga farmer ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong intensiyon. ‘Yung epekto nito sa atin ay sa supply chain,” ani Sadicon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang base effects ay inaasahang makakapagpababa sa retail price ng bigas sa susunod na apat na buwan.

Noong Hulyo, ang rice inflation ay nakapagtala ng mabilis na year-on-year deflation, o “negative inflation,” sa -15.9% mula sa -14.3% noong Hunyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here