Home HOME BANNER STORY Lisensya ng drayber na nag-counterflow sa Skyway kanselado habambuhay

Lisensya ng drayber na nag-counterflow sa Skyway kanselado habambuhay

290
0

MANILA, Philippines – Hindi na papayagang magmaneho habambuhay ang drayber na nahuling nag-counterflow sa isang bahagi ng Skyway nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 9.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinatawan ang drayber ng habambuhay na kanselasyon ng kanyang driver’s license.

Sa kuha ng CCTV bandang 3:32 am, kita ang pagsalubong ng drayber sa mga sasakyan sa Skyway.

“Hindi pu-puwede na suspendido lang ang lisensiya ng driver na ito dahil kitang kita naman sa CCTV footage na inilagay niya sa peligro ang buhay ng mga driver ng kasalubong niyang sasakyan,” saad sa isang Facebook post ni Dizon.

“Ipinag-utos ko na i-revoke na nang tuluyan ang driver’s license ng pasaway na driver na ito nang hindi na pamarisan ang reckless driving niya.”

Hinikayat din ni Dizon ang publiko na patuloy na isumbong ang mga ganitong klase ng insidente sa DOTR upang maaksyunan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here