Home NATIONWIDE CSC may paalala sa Civil Service Exam ngayong araw

CSC may paalala sa Civil Service Exam ngayong araw

359
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kukuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) ngayong Linggo, Agosto 10 na mahigpit na sundin ang itinakdang guidelines para sa maayos na pagsusulit.

Ayon sa CSC, maaaring basahin ang Examination Advisory 14, series of 2025 sa opisyal na website ng ahensya (www.csc.gov.ph). Dito rin makikita ang Online Notice of School Assignment (ONSA) para sa detalye ng testing center.

Dapat ay nasa venue na ang mga examinee bago mag-6:30 a.m., habang mahigpit na isasara ang gate sa ganap na 7:45 a.m. Ang mahuhuli ay hindi na papayagang kumuha ng exam.

Ipinaalala rin ang patakaran na “No ID, No Exam.”

Kailangan dalhin ang valid ID, mas mabuti kung iyon din ang ginamit sa application. Dapat ay naka-plain white shirt o top at bawal ang sleeveless, shorts, ripped jeans at tsinelas. Hindi rin papayagan ang examinee na pumasok kung hindi susunod sa dress code.

Tanging black ballpen lamang ang maaaring gamitin sa answer sheet. Bawal ang gel pen, sign pen at iba pang uri ng panulat.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng electronic devices gaya ng cellphone, smartwatch, tablet at calculator sa upuan ng examinee.

Para sa may mahabang buhok, ito ay kailangang itali upang malinaw na makita ang mukha para sa verification.

Dapat ding gamitin lamang ang assigned examinee number na makikita sa Examinee Attendance Sheet at tandaan ito para sa result checking.

Bawal ilabas ang test booklet at answer sheet sa testing room, at tanging sa itinalagang booklet area lang pinapayagan ang scratch work.

Para sa mga hindi makapag-access ng ONSA, maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na CSC regional o field office, tumawag sa Contact Center ng Bayan sa 0908-881-6565, o magpadala ng mensahe sa opisyal na Facebook page ng CSC. Maaari ring tumawag sa (02) 8931-4180 para sa ibang katanungan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here