Home METRO 3 intel officer ng militar utas sa tambang

3 intel officer ng militar utas sa tambang

ZAMBOANGA CITY – Tatlong military intelligence personnel ang napatay ng mga armadong lalaki sa isang pananambang sa Barangay Baimbing, Lamitan City, Basilan noong Lunes ng gabi, Disyembre 23.

Sinabi sa inisyal na ulat na ang mga biktima ay miyembro ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines dito.

Sakay ang mga biktima sa isang kulay abong Toyota HiAce van na may plakang For Registration nang sila ay pagbabarilin. RNT