MANILA, Philippines – Tatlong national roads ang hindi maaring madaanan dahil sa matinding pagbaha dulot ng Tropical Cyclone “Enteng” at Southwest Monsoon, habang pitong kalsada naman ang limitado lamang sa mabibigat na sasakyan.
Tinukoy ng Department of Public Works and Highways – Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang mga sumusunod na kalsada sa Lalawigan ng Rizal na sarado sa trapiko ng sasakyan:
1) Manila East Road, Barangay San Juan in Morong, Barangay Gamo at Tandang Kutyo sections sa Tanay, at Barangay Takungan at Bagumbayan sections sa Pililla;
2) JP Rizal St. sa Baras; at
3) Sagbat Pililla Diversion Road sa Barangay Maybancal, Morong.
Limitado naman sa mabibigat na sasakyan ang mga sumusunod na lugar:
CAVITE
1) General Evangelista Road in Barangay Maliksi I, Bacoor City;
RIZAL
2) Imelda Avenue in Barangay. Sto. Domingo, Cainta;
3) Cainta Kaytickling Antipolo Teresa Road (Front of Philhealth) in Barangay San Juan, Taytay;
4) Manila East Road (Taytay Bayan) sa Barangay San Isidro, Taytay;
5) San Mateo-Rodriguez Road, Barangay Ampid, Dulong Bayan, at Maly sections sa San Mateo and Barangay Mangahan section in Montalban;
6) Tanay Sampaloc Road, Barangay Plaza, Aldea;
7) Rodriguez San Jose Quezon City Road, Barangay San Jose, Montalban.
Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga binahang lugar at dumaan sa mga alternatibong ruta kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden