MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, Setyembre 2 sa Moro National Liberation Front (MNLF) at iba pang stakeholders ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tiyakin ang mapayapa at kapani-paniwalang pagsasagawa ng halalan sa susunod na taon.
”I call on the MNLF and other stakeholders of BARMM to ensure a peaceful, orderly, and credible conduct of the 1st Bangsamoro Elections next year,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa opening ceremony ng 2024 National Peace Consciousness Month at paggunita sa 1996 final peace agreement kasama ang MNLF.
Winika ng Pangulo na ang nalalapit na BARMM elections ay ”is an important reminder not only of the democracy that empowers us to mold our destinies but also of the visionaries who paved the way for the freedom that we all relish today.”
Tinuran pa ng Pangulo na ang eleksyon ng mga miyembro ng parlyamento sa susunod na taon ay para “formalize and operationalize” ang parte o bahagi ng BARMM sa national government.
”And that is a very, very important landmark; a very, very important part of our peace agreement. This — that will be the day when we can say that we have recognized the autonomy of BARMM and BARMM has also found – has also recognized its membership into the fold of society within the national government,” ang pahayag ng Chief Executive.
Samantala, magkakaroon naman ang BARMM ng parliamentary elections sa May 12, 2025, kasabay ng midterm legislative elections.
Ito ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections.
Ang mga lalawigan na bumuo sa BARMM ay ang Sulu, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, at Tawi Tawi. Kris Jose