MANILA, Philippines – Sinita ng mga awtoridad ang tatlong lalaki sakay ng isang van patungong Luneta dahil sa pagsusuot ng ‘balaclava.’
Ayon sa pulisya, napansin ang tatlong lalaki na nakabalot o may suot na balaclava at nakasuot din ng vest na may tatak na ‘Press.’
Paliwanag ng MPD na sumita sa mga lalaki, ipinagbabawal na sa Maynila ang pagsusuot ng balaclava kung bakit malaya pa nila itong ginagawa.
Nagpakilala ang tatlong lalaki na contributors ng isang freelance media na pinopondohan umano ng hindi pinangalanang non-government organization.
Samantala, isang naka-mask na lalaki rin ang naharang at nasita sa Recto Avenue kung saan idinaraos ang Trillion Peso March ng mga ralyista.
Bukod dito, nakumpiska rin sa lalaki ang salang chako na aniya ay ginagamit niya bilang pangdepensa.
Nilinaw din ng lalaki na hindi siya kasama o wala siyang partisipasyon sa nagaganap sa inorganisang malaking rally ngayong araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden