Home NATIONWIDE Armas, pampasabog narekober sa Malabon kasunod ng pagnanakaw sa Bulacan

Armas, pampasabog narekober sa Malabon kasunod ng pagnanakaw sa Bulacan

278
0

Bulacan – Huli ang tatlong suspek na sangkot sa pamamaril sa Brgy. Liciada, Bustos sa joint follow-up operation ng mga alagad ng batas nitong madaling araw ng Nobyembre 29.

Sa ulat ni PCPT Heherson Zambale, Officer-in-Charge ng Bustos police station, kinilala ang mga suspek na isang 39 anyos na tattoo artist, residente ng Brgy. Malamig/ Brgy, Paltok, Angat, Pedicab driver, 44 at isa pang tattoo artist, 39 ng Brgy. Panghulo, Malabon City.

Ayon sa ulat, bandang 3:00 ng madaling araw ay nakarinig ng mga putok ang mga nagpapatrulyang mga tanod kaya tinungo nila ito hanggang sa matuklasan ang duguang biktima na may tama sa hita.

Nadiskubre ng mga tanod na ninakawan at pinagbabaril ang biktima ng mga suspek at mabilis na tumakas lulan ng gray sedan sa direksyon ng Pandi.

Nang makarating sa mga awtoridad ang nangyari at nagkaroon ng malalimang imbestigasyon ay agad nagsagawa ng joint follow up operation ang istasyon katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit at Regional Intelliigence Division na may koordinasyon sa Malabon police station sa Alley 8, Karisma Ville, Brgy. Panghulo, Malabon hanggang sa naaresto bandang 3:15 ng hapon ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang Cal .45 Colt pistol na may magazine, apat na bala, Cal .45 Norinco, magazine na may pitong bala, Cal. .45 Para-Ordinance pistol, Cal. 9mm HK VP9, magazine na may 11 bala, Cal. 9mm pistol, magazine na may limang bala, Uzi 9mm na may silencer, dalawang magazine na ang isa ay may 24 bala, Upper Receiver Beneli, M16 Rifle DPMS Panther Arms, dalawang magazine na ang isa ay may 30 bala, hand grenade, 200 rounds ng Cal. .45, 84 bala ng Cal. 40, anim na bala ng Cal. .38, tatlong bala ng 9mm, apat na bala ng .22, pitong assorted cellular phones, mga magazine assemblies, mga assorted identification cards at bulletproof vest na may markang “NBI”.

Inaalam ng mga awtoridad kung konektado ang mga suspek sa criminal group o gun running na kumikilos sa Bulacan at Metro Manila.

Dinala ang mga suspek at mga narekober na ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at paghahanda ng mga kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here