Home NATIONWIDE 3 ‘malibog’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

3 ‘malibog’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

156
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang Most Wanted Person (MWP) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Pebrero 23.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang naarestong wanted na si alyas “Dwane”, 30, residente sa isang village sa Brgy. San Manuel.

Ayon sa ulat, ang WOA para sa anim na bilang ng kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

Bukod dito, nahaharap din siya sa apat na bilang ng kasong statutory rape by sexual assault na may inirekomendang piyansang P200,000.00 bawat bilang na kapwa inisyu ng Regional Trial Court Branch 5-FC, SJDM noong Pebrero 20, 2026.

Huli rin nitong hapon ng Pebrero 23 si alyas “Mane”, 55, vendor, ng Brgy. Binagbag, Angat sa pinagsanib na puwersa ng San Rafael at Angat police station ang additional Most Wanted Person sa Municipal Level nang silbihan ng WOA sa kasong Qualified Rape of a Minor na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa lascivious conduct na may itinakdang P200,000.00 piyansa at inisyu ng Regional Trial Court, Branch. 80, Malolos City, noong Pebrero 10, 2026.

Samantala, nadakma rin sa kaparehong petsa ng joint operation ng tracker team ng Marilao police stafion at Women and Children Protection Desk sa bisa ng WOA ang Top 1 Most Wanted Person na isang 19 anyos na lalaking residente ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sinasabing ang WOA para sa dalawang bilang ng kasong statutory rape ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121, Meycauayan City noong Enero 13, 2026 na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid na ang mga naarestong akusado ay nasa kustodiya ng mga himpilang humuli sa kanila. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here