MANILA, Philippines – Isang hinihinalang akyat-bahay ang nanloob sa isang bahay kabilang ang Barangay Tanod na tinangka pang tumakas sa pamagitan ng pagtalon mula sa ikalawang palapag sa Gen. Trias City, Cavite kamakalawa ng umaga.
Ayon sa report, hawak ngayon ng Gen Trias Component City Police Station ang naarestong suspek na si Alyas Daniel.
Sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ni alyas Judy sa Brgy Pasong Kawayan 2, ng nasabing lugar, bandang alas-5:00 ng umaga sa pamagitan ng pagpasok sa isang hindi nai-lock na bintana.
Tinangay ang Vivo Y155 na cellphone nito na nagkakahalaga ng P16,000.00 pero napansin ito ng biktima kaya tumawag ito sa barangay.
Sa pagresonde ng mga barangay tanod, tinangkang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagpasok sa isang bahay subalit nakorner ito kaya tumalon ito mula sa ikalawang palapag ng bahay at sa pagbagsak ay tumama sa katawan ang isang barangay tanod na kasama sa pagresponde at nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober mula sa suspek ang tinangay na cellphone ng biktima. MARGIE BAUTISTA