Home METRO 3 natusta sa sunog sa Valenzuela

3 natusta sa sunog sa Valenzuela

MANILA, Philippines- Nasawi ang tatlong indibdiwal sa sunog sa Area 4, Barangay Malinta sa Valenzuela City nitong Sabado ng hapon. 

Narekober ang mga katawan ng mga namatay sa insidente subalit ilang oras pa bago tuluyang naapula ang apoy.

Base sa mga residente, dakong alas-12 ng tanghali nang magsimula ang sunog na mabilis kumalat.

Agad itinaas ng Bureau of Fire Protection [BFP] ang ika-2 alarma, kung saan hindi bababa sa anim na fire truck at ambulansya ang rumesponde. 

“Ayon sa salaysay ng isa sa mga kasamahan ng biktima, apat sila palabas kaso paglabas niya, naiwan ang tatlo. Kaya nagulat na lang daw siya sa nangyari,” pahayag ni FSInsp. Jezreel Malapit, chief for operations ng BFP-Valenzuela. 

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nag-umpisa ang pagliyab sa isang basurahan na kumalat na lang sa mga bahay dahil sa lakas ng hangin. 

Tinatayang nasa 26 pamilya ang apektado ng sunog. RNT/SA